Espesyal ang babae sa Pilipinas. Hangga't hindi siya nag-aasawa'y nakatira siya sa bahay ng kanyang mga magulang. At
kung hindi siya makapag-asawa, malamang na hindi na siya humiwalay sa mga ito. Sapagka't ang estado ng dalaga'y bale
iang protektadong uri, hindi rin siya maaring mauna sa pagpahayag ng kanyang pag-ibig. Kailangang maghintay siya
hanggang lumipat ang lalake at mamintuho. Ang babaeng hindi marunong maghintay nang tahimik at nagpapahalatang gusto
niya ang isang lalake ay ipinapalagay na magaspang -- isang atrebida. Malamang na takbuhan siya ng mga lalake.
Kapag npusuan ng isang lalake ang isang babae ay mangyayari ang ligawan. Una'y humihingi ng pahintulot na makadalaw sa
bahay ng babae ang lalake. Kapag pumayag ito, ibig sabihin ay may pag-asa ang lalake. Sa pagpanhik ng lalake, malamang
na salubungin siya ng mag-anak. Uusisain muna ang kanyang angkan at pinagmulan, kung ano ang trbaho niya at sino ang
mga kaibigan niya. Kung dati nang kilala ang manliligaw ay malamang na sandali lamang ang usapang ito. Pagkatapos ay
tatawagin na ang dalaga at hahayaan nang mag-usap ang dalawa.
Ang oras ng pag-akyat ng ligaw ay sa hapon o sa gabi. Pagkatapos ng isyesta at bago maghapunan; o kaya'y sa gabi,
matpaos ang hapunan. Kapag dumating nang wala sa oras ang isang manliligaw ay sasabihing ugaling Tsino ito o Tsino na
nga. Ang ibig ipahiwatig ay tila hindi nakakaintindi ng ugaling Pilipino ang taong ito. Ang mga oras na ito'y itinakda
sa ligawan dahil sa ilang kadahilanan. Una'y tapos na ang gawaing may kinalaman sa pagluluto at pagsisinop ng bahay.
Ikalawa, kung gusto ng dinadalaw na umalis na ang bisita, madaling sabihin na pasensiya't kailangang maghanda na ng
hapunan o kaya'y dapat nang matulog. Saka pa, sa mga oras na ito'y nakaayos na ang babae at malayong datnan ng
mamimintuho na mukhang mangkukulam.
Sa probinsiya ay may kaugalian ng paninilbinhan. Ang isang lalakking manliligaw ay nagtratrabaho sa bahay ng babae
habang tinitingnan ng mga magulang kung mahusay na tao nga siya. Naroong mag-igib siya ng tuboig, magputol ng kahoy,
magtanim, mag-ayos ng bakuran. Pagkatapos ay uuwi siya't magbibihis at dadalaw sa babae. Ang ligawan ay simple lamang.
Maghaharap ang lalaki't babae sa isang sesilay sa balkon o sa sala. Siyempre, palagi silang natatanaw ng mga
nakatatanda. Kundi man ay may bantay na nakababatang kapatid ng babae.
Kung lumabas ang nagliligawan, mayroon din silang bantay--isang kapatid na bata o nakatatanda. Mangyari'y hindi dapat
mapulaan ang reputasyon ng babae. Kung hindi man magkatuluyan ang dalawa'y hindi masasabi ng lalaki nanagalaw niya ang
babae.
itong huli ang pinkadominante sa panahon ng ligawan. Bawa't kapritso ng babae'y sinusunod ng lalake. Panay rin ang
regalo't dalaw ng nanliligaw. Madalas ay pinahihirapan muna ng babae ang lalake bago siya poumayag na pakasal rito.
Bale ba'y bumabawi lamang siya. Pagkatapos ng kasal ay ang lalaki kasi ang nasusunod sa tahanan.
Read more
Men: Beware Of Your Emotions
16 years ago