CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »
Showing posts with label ligaw pinoy. Show all posts
Showing posts with label ligaw pinoy. Show all posts

Tuesday, April 21, 2009

Ligaw Pinoy


October 22, 2008

Ano ba ang iyong diskarte para masungkit ang matamis na OO ng iyong nililiyag? Bahay at lupa, kotse, alahas, bakasyon grande kahit saang lupalop ng mundo? Lahat ay iyong gagawin para lamang makuha ang iyong ninanais.Sukdulang ialay mo ang iyong kalulwa sa paniningalang pugad. Bulag nga ba ang pag-ibig, kung gayon bulag din nga ba ang tibok ng iyong puso? Sino ba ang matalino kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan? Lahat tayo pinalalasap ng maligalig ngunit kainamang pagpitik ng puso dahil sa tinatawag nilang pagsinta. Paano nga ba dumiskarte ang isang Pinoy?

Mas trip ng babae ang sinusuyo, mas gusto nila yong pinupuri,sinasamba, pauulanan ng walang kamatayang maganda at sexy siya, kahit sa totoo lang amoy lupa na siya, in short isa siyang tikbalang. Kahit ano pa ang ating sabihin, sila ay babae na dapat lang nililigawan. Sino ba namang lalake ang ibig ay siya ang hahandugan ng bulaklak at tsokolate? Kung meron man sila ay iyong kapwa lalake din ang gustong makayakap sa dilim.

Klasik na ang pagbibigay ng tsokolate at bulaklak. Kahit gaano kamahal o kabantot pa ng bulaklak kung ito naman ay nanggaling sa kaniyang manliligaw, ilalagay niya ito sa plorera para tumagal ang pagkasariwa, inaamoy- amoy habang nakapikit ang mata. Ang tsokolate naman ay ibibigay kunwari kay bunso at inay kasi ayaw masira ang pigyur na 24-34-no more. Kung ang manliligaw ay araw araw magbibigay ng tsokolate at bulaklak, malaking pamumuhunan na yan. Idagdag pa ang pagyayayang kumain sa labas at manood ng sine, maglibot sa mall at bilhin ang magustuhan, dyahe naman kung si binibini ang gagastos. Meron namang kelots na plastic, kahit buong barangay na ang kasama pero isa lang ang nililigawan, sige lang, napapangiting aso si kelots, sila yong may tendency na maghigante sa katagalan ng kanilang relasyon, tiyak singilang malaki yon, humanda ka binibini.

Pogi points sa lalake kapag, inalalayan mo sa pag-akyat at pagbaba sa sasakyan, ihaharang ang sarili kapag tumatawid sa tawiran, yong tipong hindi dapat mahagingan ng hangin ang katawan ni binibini, ipagbubukas ng pinto,ipag-uusod ng upuan, dadalhin ang pink shoulder bag kahit bukol sa masel si binata, ang baduy, tila yata isang prinsesa ang pakiramdam ni binibini pag ganun. Naisip ko lang may kapansanan ba ang mga babae o sadya lamang plastik ang mga lalake?

Napakaromantiko naman ng mga lalakeng naiguguhit ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng tula, awit o bersa, kornik ang dating nito pero ubod kilig naman ang hatid sa binibini, iipunin niya tiyak lahat ng alaala ng kakiligan, nandiyan ‘yong itago ang ginamit ng panyo,ginamit na condom, isang katerbang sulat na iisa lamang naman ang laman “ I love you” ako mahal mo din ba? “. Masarap balik balikan ang alaala ng lumipas, nagkukulay rosas ang pisngi, tumatawa ang mata, at nagiging sariwa ang natitigang na lupa sa mga babaeng napaglilipasan na ng panahon.

Naubos mo din ba ang bulaklak ng Santan dahil lamang sa “ He loves me, he loves me not”? Uulit ulitin hanggat hindi nakukuha ang “ He loves me”, sabay talon at hiyaw ng YES. Ang mga rosas na inipit sa pagitan ng pahina ng libro,ginagawang unan bago matulog at sasambitin ang pangalan ng sinisinta. Ang pagsusulat sa Slum book, sasagot ka dito ng sino, kalian, ano ang first….lahat may first, kadalasang sagot ay SECRET. Ito ang diskarte ng Pinay tsiks, para hindi masyadong halata na trip niya ang boylet dadaanin na lang niya sa pagpapasulat sa Slum book. Sino ba namang hindi iikot ang tumbong kapag nakikita mo ang kunyaring galit na galit ka at isinusumpa mo kuno pero ang totoo “ the more you hate the more you love” ang drama ng hitad. Hwag ka maingay, hanggang ngayon nakatago pa rin ang slum book ko, inaanay na pero masarap pa ring balikan.

Kung nauso pa ang harana sa panahon mo, hindi nga ba at ang ganda ganda mo prinsesa ng Kumintang? Habang ikaw ay nakahiga sa katre, inaabangan mo na ang tunog ng kuwerdas ng gitara, dahan dahan kang babangon at sisilip sa siwang ng bintana upang masilayan mo ang iyong iniirog, hipid na hipid ang buhok na may pomada at babanat ng walang kamatayang liriko “ Dungawin mo hirang…ang nanambitan”, sisindihan ang tiringke, may ligayang hatid ang ilaw sa lampara, animoy nagbibigay ng pag-asa na masusungkit na ang matagal ng inaaba. Ilang binata ba ang nabuhusan ng ihi mula sa orinola ni lola Inta, hinabol ng taga ni Mang Kulas, nakaapak ng ebs at kinagat ni Bantay. Sa araw naman ay magsisibak ka ng kahoy, mag iigib ng tubig, lilinisan ang ekta-ektaryang lupain, kainamang hirap para lamang sa dalawang letra at marahang tango..OO

Sa panahon ngayon ibang klase na ang diskarteng Pinoy, kadalasa’y babae na ang lumiligaw, minsan tinutukan pa ng balisong para lang masungkit ang OO. Hindi kaya karma ito sa mga ninuno natin na masyadong inalipin si Lolo.



Read more